Home
.shizzle dizzle. [entries|friends|calendar]
TheBoiBern

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ calendar | livejournal calendar ]

birthday wishlist [13 Mar 2009|01:06am]
alam ko malayo layo pa bertdei ko pero natuwa ako sa sarili ko kaya gagawin ko to.

nakasort yan mula sa impossible kong makuha papunta sa kayang kaya niyong ibigay. pili na kayo ng ibibigay niyo sakin friends ha? hahaha joke

1) sariling condo
2) mitsubishi lancer 09
3) Euro trip (hindi yung movie, talagang trip around europe)
4) makapasok ng  white house
5) meet Kristin Kreuk in person (wag sana to mabasa ni CJ hahaha)
6) 3 days sa beach. na nakareserve lang sa ilalim ng pangalan ko ung buong beach. para batak.
7) laptop na may matinong video card
8) o di kaya mac. ung bagong mac!!!
9) ps3
10) surprise bday party pero ako magoorganize. labo nun ah. hahaha.
11) bagong basketball shoes
12) fossil blue dial watch
13) kiddie party sa mcdo. gusto ko kasama ko si grimace buong time na nandun akoi
14) nike sneakers. di ko alam pangalan niya pero nung nakita ko sa nike sa high street na inlab ako
15) inuman with my close friends
16) adidas ateneo jacket. may discount sa mvp kaya bilan nyo ko dun :))
17) jersey ni nonoy
18) laptop sleeve
19) cow na stuff toy. gusto ko ung stuff toy ni von na cow, si mr.moo
20) trip to hawaii (hahaha malapit na, di lang trip)
21) basta makasama ko lang mga kaibigan ko, at family ko, at si cj buong araw masaya na ko :)

yan saktong 21. lol.

1 nagsalita!| magsalita ka!

(Galing kay Gelo Santos) Read! About the straws being used on restaurants [04 May 2008|09:07am]
since natatakot si gelo maplagarize, ako rin. papaste ko nalang ung link dito:

http://www.blogkada.com/dangerous-secret-in-the-colored-straws/

hindi sana ako maniniwala. pero what a big surprise.

kanina nagstarbucks kami ni brian yaranon. naalala ko yung blog ni gelo about the straws, and i remembered na it said on the table na starbucks daw has 0% amount of germs and cockroach excretion/eggs found since nakabalot pa siya ng papel. pero lo and behold! out of 5 straws we got and checked, only 2 were clean. I saw lots of black spots inside the straws. hindi ko alam kung ano siya, but its 100% dirt, whatever type of dirt it is. i dont wanna know.

since nacurious ako lalo, i checked straws na ginagamit sa suki nating tindahan (ung pang softdrinks, kase marami kaming ganun sa aming tindahan) para matingnan kung mayroon din ba silang black spots. out of 10 na tiningnan ko, wala akong nakitang dumi ni isa. turns out that straws from sari sari stores are cleaner than straws used in restaurants. waw.

kaya tandaan mga mamimili: mag-ingat sa paggamit ng straws, pati narin ng utensils sa labas. well wala naman talagang "malinis na kainan" sa panahon natin ngayon (well closest na yung sa mga kanya kanyang bahay natin, kung talagang maingat tayo) pero mas maganda parin talaga yung nag-iingat. i have this habit of not using straws when eating on restaurants. what's with straws anyway, when you can drink straight right on the glass? straws only pile up to the garbage we humans produce. now this issue adds more reason why i wont use straws when eating on restaurants.

magsalita ka!

high school survey [26 Mar 2008|09:34pm]

mula kay justin


1) ano sec. mo nng 1st yr high ka?
- ruby

2) eh nung 2nd yr?
- wala di ako nagsecond yr sa pisay hahahaha. deh joke lang. jasmin. ok di mo nabasa yun kalimutan mong nag2nd year ako sa pisay hahaha

3) 3rd yr?
- sodium

4) 4th yr?
- photon eXtreme (pauso ni sir vlad)

5) anong best year for u?
- lahat bukod sa 2nd year hahahaha joke.

6) baket? marami ka bang friends nun?
- bakit ayaw ko sa 2nd yr? hahaha. tinanong mo pa. deh. pero ok rin gumawa kami history sa sportsfest. hahahaha. ok kalimutan nyo na yun. erase. erase.  deh masaya buong stay sa pisay.

7) san kau kumakain kapag lunch?
- caf

8) san tumatambay after skul?
- sa court, caf, gazebo

9) lagi ka ba late pag morning?
- maaga kung sasabay sa service

10) nasuspend ka na ba?
- hindi

11) Bakit?
- mabait ako eh

12) masaya ba pag foundation day?
- boring. mainit dahil sa gym ginagawa

13) have u ever danced on stage?
- oo kahihiyan lang inaabot ko dito

14) nagka bf/gf ka ba nong highschool days?
- boyfriends ahahahaha

15) sinong all time crush mo nun?
- secret ko na yun. hayup. haha

16) would u go back?
- siyempre naman. pero dapat pati age ko umurong pabalik haha.

17) ano lagi mong binibili sa canteen?food. pag hindi kadiri ung menu caf food. pag kadire, dun sa mga stalls (pizza, shawarma..)

18) overpricing ba ang canteen nyo?
- oo

19) u ever sang on stage pag may program?
- isa pang kahihiyan to haha

20) fave subj?
- vacant periods, lunch, universal break, homeroom, pe, dismissal ahahaha. ay! masaya pala electronics class dahil nagcucut lang kami para magbasketball haha. ay lahat pala ng subjects ganun lol.

21) nagkabagsak k n ba?
- siyempre ahahaha lol

22) have u ever been sent out?
- ata. dahil ata wala akong book hehe.

23) feel mo ba malau ang HS bldg till canteen?
- hindi naman

24) have u ever ran in the court?
- madalas

25) varsity? of what?
- basketball na laging natatanggal dahil hindi nagppractice. kaya binuo ang pisay team b puso hahahaha.

magsalita ka!

isang tanong na gumulo sa isipan ko buong linggo. [10 Feb 2008|07:03am]
sobrang pinagisipan ko to (bukod sa mga katiwaliang aking nararamdaman na nasa aking kalooban sa kasalukuyan). ANO BA TALAGA IBIG SABIHIN NG MEH???

i have made an extensive research on this undeniably and inevitably raging phenomenon.
and here it is:

Meh is used to describe any and every word possible, including:
Yes
No
maybe
kind of
never
always
ok
alright
no thankyou
yes please
look bitch i really dont care so just shut the fuck up
if you want
whatever
If you wnat
i dont want to really
well
shut up
i dont really care
no honestly, i dont care...

...and is never explained on which is actually used...

"you wanna come round mine?"
"meh"
"whats that mean"
(told all of the definitions above)
"so which one? yes or no?"
"meh"
"that a yes?"
"meh"
"a no??"
"meh"
"a maybe???"
"meh?"
"maybe???"
"meh"
"look please tell me"
"meh"......

(Source: http://www.urbandictionary.com/define.php?term=meh)

so kung sinabi ng syota mo na "hanee, mahal mo ba me? ;;)" or kung "ako lang ba mahal mo beybeh?"
sagot mo "meh"

kung ikaw ay tala asawa at tanong nang asawa mo "galing ka nanaman sa beerhouse no?"
sagot mo "meh"

kapag ikaw ay tumatakas sa iyong mga magulang tungkol sa grades "anak may bagsak ka ba?"
sagot mo "meh"

at kapag tinanong ka ng teacher mo "do you always cut my class because i bore you?"
sagot mo rin "meh"

kayo nalang bahala kung paano niyo iinterpret yang mga sagot na iyan

you will leave them wondering :))

1 nagsalita!| magsalita ka!

gadgets for sale! [04 Dec 2007|04:11am]

Phones

Nokia

5310                                       P 12,750

5700                                        P 13,500

N70                                         P 11,000

N70 music                               P 11,500

N73                                        P 16,450

N73 music                               P 18,000

N80i                                        P 18,400

N95                                         P 27,000

 

Sony Ericsson

K800i (no card)                       P 13,000

K810i                                     P 16,650

K850i                                     P 23,750

P1i                                         P 22,800

 

Motorola

K1                                           P 7,800

L72                                          P 9,000

V8                                           P 17,500

Z3 (full)                                    P 11,450

Z6 (1GB)                                 P 16,800

 

Ipods

Ipod Nano (4GB)                     P 8,250

Ipod Nano (8GB)                     P 11,000

Ipod Classic (80 GB)               P 14,200

Ipod Classic (160 GB) P 19,500

 

PS

PSP                                         P 10,500

PSP Slim                                  P 13,000

PS3 (60 GB)                            P 26,000

 

Wii                                           P 14,000

msg me for details :)

ym: theboibern

cell no: 09223145481

2 nagsalita!| magsalita ka!

[25 Oct 2007|04:34pm]
eto pala ang pakiramdam ng isang tunay na bum. nood dito, pc doon, kain dito tulog doon. di ako magtataka kung may lalabas na statistics na mas maraming bum na nagcocommit ng suicide sa mga taong stressed sa trabaho.

di ako makapagbasketball kasi umuulan. tinatamad akong bumili ng dvd sa labas. natapos ko na ang buong deathnote series salamat sa internet at deathnote.tv. tapos ngayon inatake ako ng allergies ko na nagdudugo dahil sa sobrang pagkamot. ang sarap pala ng sembreak.

putang inang mga nangangampanya yan. banatan ka ba naman ng itaktak mo at wowowee jingles sa paggising mo sa umaga. ginagawa nilang mas hindi kabotoboto ang mga pagmumukha nila haha.
2 nagsalita!| magsalita ka!

In Him Alone [15 Oct 2007|04:50am]
I should not doubt HIM.

Hinding hindi Niya tayo papabayaan.

magsalita ka!

out of nowhere [28 Sep 2007|06:37am]
Nangyari na ba sayo na isang araw habang kasama mo ang tao mong minamahal, na dapat masaya ka dahil kahit sandali magkakasama kayo, pero nababalutan ka parin ng lungkot dahil alam mo sa pagtapak niyo palayo sa isa't isa pag uwi, di na kayo magkasama? Habang sumasandig siya sa iyong mga balikat habang nanonood ng sine, iniisip mo na sana huminto ang sandaling iyon para lang maramdaman mo na nariyan lang siya sa iyong piling? Gusto mong pantayan ang lungkot na nararamdaman mo ng saya na binibigay niya sayo, pero nahihirapan kang talunin ang damdamin na bumabalot sa iyong diwa.

Sabi nga ni Sartre absurdo ang pag-iral, pero wala tayong magawa kung hindi umiral. Absurdo rin ang aking nararamdaman, dapat ako'y masaya, pero biglaan nalang dumating ang mga pangangambang dapat maliliit at mahihina lamang na lumaki at nilamon ang aking kaluluwa. Walang rason para palakihin ang mga ito. Masaya man ako panandalian, ngayon narito ako na ibinabalik ang aking sarili realidad. Isang balintuna.

1 nagsalita!| magsalita ka!

random internet survey [11 Aug 2007|10:13pm]
The Boy Next Door
Random Gentle Love Dreamer (RGLD)

Kind, yearning, playful, you are The Boy Next Door. You're looking for real Love, a lot like girls do. It might not be manly, but it's sweet.

We think the next three years will be very exciting and fruitful ones for you. Your spontaneous, creative side makes you a charming date, and we think you have a horny side just waiting to shine. Or glisten, rather. You enter new relationships unusually hopeful, and the first moments are especially glorious. If you've had some things not work out before, so what.

Your exact male opposite:
The 5-Night Stand

Deliberate Brutal Sex Master
On paper, most girls would name the Boy Next Door as their ideal mate. In the real world, however, you're often passed over for more dangerous or masculine men. You're the typical "nice guy:" without just a touch of cockiness, you're doomed with girls. A shoulder to cry on? Okay, sure. But never a penis to hold.

More than any other type, Boys Next Door evolve as they get older. As we said, many find true love, but some fail miserably in the search. These tarnished few grow up to be The Men Next Door, who are creepy as hell, offering backrubs to kids and what not.


ALWAYS AVOID: The Nymph (DBSD)

CONSIDER: The Maid of Honor (DGLM), The Peach (RGLM)


Link: The Online Dating Persona Test @ OkCupid - free online dating.
My profile name: : theboibern
magsalita ka!

[04 Jan 2007|09:06am]
i feel stressed out..

because i havent done the things i should do..

what more kung gawin ko pa sila? hay buhay.

i better start doing them now. better to be late than never.
magsalita ka!

buhay patay [04 Dec 2006|09:22pm]
sa wakas after 20 million years nagupdate ako ng blog. why? for many reasons na hindi ko maintindihan na di ko rin masabi. pero ttry kong sabihin. at idefine.

una, nabasa ko blog ni [info]anj09aq knina lang. wla lang. kc naramdaman ko yung feeling nya, lalo na sa pagsasalita ng magulang ng masama sa iyo at ang paglisan. ewan. di ako comfortable pag binabanggit ng magulang ko ang abroad. pero ang hirap tumanggi pag sinasabi ng tatay ko ang kanyang pangarap sakin sa telepono, kasi alam ko naghihintay siya dun sa kanyang citizenship at sa wala para lang madala kami dun at mabigyan kami ng so-called "magandang bukas". di naman natin maiwasan na ganun mag-isip ang pilipino at kailangan nating baguhin, pero saying this to your father, who is constantly suffering just to give me and my family his vision of a good life for us, how could you disagree? ah ewan. bahala na. luser na ko kung luser pero mahal ko ang Pilipinas. di lang dahil sa mga kaibigan, kasi di naman ganun kadami kaibigan ko dito. pero dito ako lumaki. dito ako namulat sa tunay na buhay. gusto ko dito ako magtrabaho, magkapamilya, magkaanak, magkaapo, maging lolo at malumpo hanggang umabot ako sa stage na nadedecompose na ang bangkay ko sa lupa, gusto ko sa lupa ng pilipinas parin ako nabubulok.

pangalawa, feeling ko palagi nalang ako ganito, hindi na ko nagbago. ung tipong "bern umayos ka, simula bukas magaaral ka na, magiging responsable ka na, di ka na gagawa ng kalokohan" pero behold, wala paring nagbabago sakin. di na ko tumanda. well, tumanda age ko pero utak ko hinde. ang sakit minsan pag sinasabi ng nanay ko "napakairesponsable mong anak!" gusto kong magalit pero wala akong reason para magalit, at wala akong  ipaglalaban dahil alam kong gago ako at di nga ako nagbago.

i tried. i really did. the thing is i just cant.

sinasabi ko sa sarili ko tatanda rin ako. pero no. eto parin ako. mag-19 years old na pero ganito parin. lalo ko tuloy nafefeel ang pagkawalang kwenta ko. sa bahay, sa school, sa kaibigan, sa Diyos. hindi ko alam kung bakit di ako magbago. kahit anong pilit ko wala. punyeta. pag may problema lalo pang dadagdag dahil sa alak. paggising makakalimutan ang problema dahil sa hangover.

pero ngayon alam ko na.  alam ko na ang root ng lahat. hindi ko kilala ang sarili ko. di ko pa nahahanap ang sarili ko. tanungin nyo sakin, "Sino si Bern?" honestly, wala akong masasagot. pero ngayon, unti-unti hinuhukay ko ang nakalibing na bern sa sementeryo. di pa siya nabuhay nasa sementeryo na. ganun siguro kalala ang lagay ko ngayon. kaya siguro gago ako, dahil di ko pa kilala sarili ko. ang labo no? ako rin nalalabuan. nilalabas ko lang sama ng loob ko sa pagpindot ng daliri sa keyboard. pero lahat ng sinasabi ko ngayon nanggagaling sa kalalimlaliman ng aking puso. sana hindi pa huli ang lahat sa aking journey ng paghukay sa aking sariling treasure, o basura, o kung ano man ang ako. hindi na ako mangangakong magbago, kasi mahirap. pero uuntiuntiin ko nalang. sabi nga ng blockmate ko, 18 days para maging isang habit ang ginagawa mo. so di ako magcucut ng 18 days, para maging habit na siya. oha. di ko pinapangako yan. pero kasama yan sa paghukay at pagbuhay sa bern. nasa loob ko ang kulo. wala akong pake kung may magbabasa man nito kase masyado atang mahaba. pero sana sa munting kwento ko may mapulot kayo. kase ayokong mangyari sa inyo ang nangyayari sakin. subukan niyong umupo minsan, mag-isip, magtanong "Sino nga ba ako? Ano silbi ng buhay ko?" at pag naisip nyo na, dun palang kayo tumayo, maglakad, tumakbo sa oval ng buhay.
magsalita ka!

[25 Sep 2006|11:31pm]
[ mood | oh no ]

i have never been more worried about my acads, ever, than now.

sabihin na nating gago ako nung highschool. pero kolehiyo na to tsong. 
we are talking about my future. future work, future life, future wife oops. hehe.
pero saksakan ng dami ng requirements. i know im a procastinator but i never expericened such huge amounts of cram-ish materials in my entire life! ngayon lang! bleh.

magsalita ka!

[18 Sep 2006|05:09pm]
[ mood | badinggergized ]
[ music | weak - swv ]

pota. daming gagawin. amgannaday. 

di ko alam kung pano magsisimula sa mga requirements ko. waah

+++++

masakit parin ang aking leeg dahil sa stiff neck. sinubukan kong pilitin sarili ko kanina para pumasok pero ala parin. cs lang ako pumasok. hahaha. asar kasi pag lumilingon ako sa likod para akong si batman na kelangan full body pa para lang makalingon. hahaha. bad turp.

aaral pa kong cs slides dahil la pa akong naiintindihan sa cs. 

malapit nang mag sept.21. haha. lalang. miss ko na si lola ko. ='(

magsalita ka!

[15 Sep 2006|10:30am]
 

in the future magkakaroon na ng BLR School of Patapon sa ADMU. ^^
8 nagsalita!| magsalita ka!

[25 Aug 2006|08:23pm]

cs midterms
pe midterms

sci 10 special term project
histo orals
cs oral defense

and who said tapos na ang hell week? it feels like "hell" has been extended to a month. pfft.

nood tayong click. di pa ko nakakanood. kakaawa naman ako. para naman di puro requirements ang ginagawa ko sa buhay.

2 nagsalita!| magsalita ka!

[16 Aug 2006|09:11pm]
[ mood | pissed off ]

talo kami sa iac. talo kami sa isang team na mabaho maglaro. pota.

ibig sabihin mas mabaho kami maglaro. i kent beleb eet.

babawi kami. babawi ako. intensity lang ang solusyon. ung tipong pagkaintense habang umiire sa pagtae. ha.

magsalita ka!

Kung... fu. [15 Aug 2006|11:35pm]
[ mood | cynical ]

Kung ang ls paper ba naman ay kasing dali ng pagtae, bat ako magwawala ng ganito???
Kung ang pagaaral nga naman ay kasing dali ng pag-agaw ng kendi sa bata, hindi ako magdadalawang isip na magaral ng sampung taon.
Kung ang pagmamahal ay kasing dali ng pagtulog, ayoko nang magising!

Rey: Kung magiging kamukha mo si Brad Pitt pero kelangan mong kainin tae nya, papayag ka?

Sige nga sagutin nyo yan!!!
( di ko na ipopost ung ibang tinanong sakin ni rey due to explicit erotic language, wholesome tau d2, kilala nyo naman si rey eh ) hahaha.

masakit ang aking katawan sa basket at weights kanina, at first game namin bukas sa iac. bangag ako, pero kelangan magpakita ng intensity. hahaha.

babawi talaga ako ng tulog sa weekend. gigising nalang ako sa araw ng pagkamatay ni ninoy.

2 nagsalita!| magsalita ka!

gusto ko ng frap. gusto ko ng caramel java chip frap [14 Aug 2006|07:43pm]
[ mood | kupi kendi kupiku ]

sinong mayaman? palibre.

Wanted:
Sugar mami/papi
manlilibre sakin ng isang caramel java chip frap.
isa everyday.
hahatid sundo aq sa school arawaraw.
kung ayaw bibilan ako ng bagong honda civic. ung bago. 2006.
bibigyan akong load monthly.

in return, i can give you...



...my smile. =)

hahaha. pota. im bangag. i really need kupi.

magsalita ka!

[13 Aug 2006|04:50pm]
[ mood | enraged ]

nafeel nyo na ba kahit minsan
na sobrang intense kayo sa ginagawa nyong project o whatever
na super intense nyo sa paggawa
hindi kayo makatae.

9 nagsalita!| magsalita ka!

pak u java [12 Aug 2006|12:28am]
[ mood | exhausted ]
[ music | constantly - nina ]

public class Bern
{
String Bern;

public String bernGiveUp( String Java )
{
if (!( Bern.equals(Java) ));
{
System.out.println( "wala kang kinabukasan Bernardo, magtinda ka nalang ng sampagita, at magquit ka na ng school" );
}
else
{
System.out.println( "puta ka, impyerno abot mo nyan pag magpakanerdo ka sa java" );
}
}

public String bernIsGutom( String food )
{
if ( Bern.equals(gutom) )
{
System.out.println( "Kakain na si " + Bern + " ng " + food + " dahil sa gutom." );
}
}
}



COMPILED NA YAN, WALANG ERROR. hahaha.
sorry bangag na ko.
java is da sheet.

magsalita ka!

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]

Advertisement